LALAKI SA BAYAN NG DAET, BIGLA NA LAMANG TINAGA HABANG NAGLALAKAD

608

Daet, Camarines Norte (Abril 12, 2016) โ€“ Sugatan sa pananaga ang isang lalaki sa bayan ng Daet bandang alas-11:45 ng umaga ng Abril 10, 2016.

Batay sa ulat ng Daet Municipal Police Station (MPS), habang naglalakad patungo sa trabaho ang biktimang si Ding Candelaria, 38 taong gulang, may asawa, at residente ng San Vicente, Camarines Norte sa isang eskinita sa Pineapple Street, Brgy. VI ng naturang bayan ay bigla na lamang umano itong tinaga ng suspek na si Salvador Alday y Jamito, may asawa, 51 taong gulang, at residente ng Felipe II Street, Daet, Camarines Norte gamit ang isang bolo sa hindi pa malamang dahilan.

Mabilis na tumakas si Alday patungo sa bahagi ng Daet Elementary School, habang isinugod naman si Candelaria ng mga katrabaho nito sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) na nagtamo ng sugat sa tiyan.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng mga otoridad para sa madakip ang suspek, gayundin ang paghahanda ng kasong kriminal laban dito.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.