ISANG LALAKI SA BAYAN NG VINZONS, SUGATAN MATAPOS PAPUTUKAN NG SUMPAK

ISANG LALAKI SA BAYAN NG VINZONS, SUGATAN MATAPOS PAPUTUKAN NG SUMPAK

650-v

Vinzons, Camarines Norte (Mayo 30, 2016) – Sugatan ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek nitong Mayo 29, 2016, bandang alas-8 ng umaga sa Sitio Mambalite, Barangay Mancayo, Vinzons, Camarines Norte.

Nakilala ang biktima na si Randy B. Hernandez, 35 taong gulang, at residente ng Barangay Mancayo, Vinzons, Camarines Norte.

Batay sa imbestigasyong isinagawa ng Vinzons Municipal Station (MPS), nakasakay umano ang biktima sa bangka nang barilin ito at tamaan sa kanang braso at kanang tuhod gamit ang improvised shotgun na kung tawagin ay “sumpak” ng suspek na pinaniniwalaang nagtatago sa likod ng puno ng bakawan.

Agad namang isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktima upang magamot ang mga tinamong sugat nito.

Samantala patuloy naman ang operasyon ng Vinzons MPS upang matukoy ang suspek at imbestigasyon sa motibo ng pamamaril.

Shiela Marie D. Basa
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.