Basud, Camarines Norte (Abril 16, 2016) – Pinaghihinalaang tinamaan ng sakit na Meningococcemia ang isang apat na taong gulang na bata sa bayan ng Basud na siyang naging dahilan ng pagkamatay nitop kamakailan.
Batay sa ilang source mula sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) kung saan dinala ang bata, wala pang malinaw na dahilan kung ano nga ba talaga ikinamatay nito.
Ayon naman kay Dra. Myrna Rojas, Provincial Health Officer, sa kasalukuyan ay wala pang kasiguraduhan na Meningococcemia nga ang tumama sa bata at patuloy pa rin ang isinasagawang pakikipag-ugnayan sa mga doktor upang malaman kung ano talaga ang dahilan ng pagkamatay ng bata
Dagdag pa ni Rojas na hindi agad maaaring sabihin kung talagang Menengococcemia nga ang tumama sa bata hanggat hindi pa naisasagawa ang mga kaukulang tests.
Samantala, binigyang-patotoo naman ng kapitan ng barangay na isa sa mga nag-aasikaso ng bangkay ng bata na Meningococcemia ang dahilan ng pagkatamay nito subalit tumanggi na itong magbigay ng iba pang impormasyon sa kung anong mga nangyari.
Kaugnay nito, posibleng abutin pa ng isang linggo ang gagawing confirmatory test para malaman talaga kung anu ang sanhi ng pagkamatay ng bata.
Sa halip ay mas makabubuti raw na kausapin na lamang ang Municipal Health Officer ng Basud.
Ang sakit na Meningococcemia ay isang malalang sakit na dulot ng impeksyon ng bacteria sa itaas na bahagi ng daluyan ng paghinga (upper respiratory tract) at sa daluyan ng dugo (blood stream). Ito ay maaaring makamatay kung mapapabayaan
Ilan sa mga sintomas nito ay seizure, stiff neck, anxiety, shock, pagdurugo sa ilalim ng balat, pagkahilo, subalit ang sakit na ito ay hindi naman daw gaanong nakakahawa.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, tanging ang mga may direct contact sa isang Meningococcemia patient ang dapat bigyan ng antibiotic prophylaxis hindi ang lahat na nakakita o nakasama nito.
Nakukuha ang direct contact sa paghalik o kaya’y paggamit ng mga gamit na pinagkainan ng pasyente tulad ng mga kutsara, tinidor, baso, at iba pa.
Kaugnay nito, posibleng abutin pa ng isang linggo ang gagawing confirmatory test na isasagawa ng CNPH.
Ayon pa rin kay Dra. Rojas, hindi kailanman nagpabaya ang ospital at agad na nilapatan ng mga medical personnel na may close contact ng mga kinakailangang gamot ang bata nang ito ay madala roon.
Shiela Basa
Camarines Norte News