ISANG OFW SA BAYAN NG MERCEDES, NATANGAYAN NG MAMAHALING GADGETS SA LOOB NG BAHAY NITO

608

Mercedes, Camarines Norte (Abril 19, 2016) โ€“ Nilooban ng hindi pa nakikilalang kawatan ang tahanan ng isang OFW sa Purok 1, Barangay 5, Mercedes, Camarines Norte.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Mercedes Municipal Police Station (MPS), nakilala ang biktima na si Cherry May Nalasa y Olesco, 27 taong gulang, may asawa, overseas Filipino worker, at residente ng naturang lugar. Natangay mula kay Nalasa ang Samsung Laptop na humigit-kumulang Php 40,000.00; 64G USB  humigit-kumulang Php 1,500.00, at isang pares ng tsinelas na humigit kumulang Php 1,500.oo.

 Napag-alamang sa bukas na sliding window umano dumaan ang suspek upang makapagsagawa ng pagnanakaw.

Samantala, patuloy namang ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang suspek at maibalik ang mga nanakaw na gamit ng biktima.

Shiela Basa
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.