PAARALAN SA BAYAN NG DAET, PINASOK NG MGA HINDI PA NAKIKILALANG KAWATAN; HUMIGIT-KUMULANG P35,000 HALAGA NG KAGAMITAN, TINANGAY NG MGA SUSPEK

608

Daet, Camarines Norte (Abril 27, 2016) – Nilooban ng hindi pa nakikilalang kawatan ang isang paaralan sa bayan ng Daet madaling-araw ng Abril 26, 2016.

Ayon sa imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station (MPS), pinasok ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang TESDA Laboratory ng Lady of Peñafrancia College sa pamamagitan ng pagsira sa grills ng bintana nito.

Ayon kay Michelle Sto. Domingo, isa sa mga empleyado ng naturang paaralan, nakulimbat ng mga suspek ang  isang microwave na nagkakahalaga ng 18,000.00, isang two burner electronic stove na may halagang 3,000.00, dalawang pirasong malaking kaserola na nagkakahalaga ng mahigit kumulang 8,000.00, tatlong pirasong weighing scale at isang pressure cooker na may halagang 5,000.00.

Tinatayang aabot sa 35,000.00 ang kabuuang halaga ng mga kagamitang natangayn ng mga kawatan mula sa Lady of Peñafrancia College.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng mga otoridad para sa posibleng ikadarakip sa mga suspek at pagkabawi sa mga ninakaw ng mga ito.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.