BUSINESSWOMAN, BIKTIMA NG RIDING IN TANDEM SA BAYAN NG DAET; PERA AT MAHAHALAGANG GAMIT, NATANGAY NG MGA HINDI NAKILALANG SUSPEK

Daet, Camarines Norte (Abril 28, 2016) – Hindi nakaligtas sa masasamang-loob ang isang ginang sa bayan ng Daet nang holdapin ito ng riding in tandem bandang alas-4 ng madaling araw ng Abril 26, 2016.

Batay sa ulat ng Daet, Municipal Police Station (MPS), habang binabagtas ng biktimang si Donabel Patricio y San Jose, 42 taong gulang, may asawa, businesswoman, at residente ng Purok 1A, Barangay Cobangbang, Daet, Camarines Norte ang kahabaan ng Gin Fernandez St. sakay ng motorsiklo nito patungo sa mismong sentro ng Daet,  nang makarating na sa F. Pimentel Ave si Patricio, huminto ito at dito na sumakay sa likurang bahagi ng motorsiklo ang isang lalaki na may dalang hindi pa malamang uri patalim na itinutok sa kanyang likod at sinabihan ang biktimang “diretso mo”.

Batay kay Patiricio, inilarawan nito ang naturang lalaki na sumakay sa likuran niya na may suot na bonnet, may katabaan ang pangangatawan, at nasa 5’4 ang taas, habang ang kasamahan nitong nakasakay sa isa pang motorsiklo na hindi naplakahan ay nakasuot ng jacket at helmet.

Ayon pa rin sa imbestigasyon, habang binabagtas ang San Lorenzo Road inutusan ng suspek si Patricio na bumalik at pumunta sa Brgy. Bibirao sa pareho pa rin bayan, at nang makarating madilim at damuhang bahagi ng naturang barangay, dito na pinahinto ang biktima kasabay nang pagdedeklara ng holdap.

Wala nang nagawa si Patricio nang sapilitang kunin ng mga suspek ang isang grey money bag na naglalaman ng cellphone, lisensya, at perang nagkakahalagang P50,000. Matapos ang panghoholdap ay pinaalis ng mga kawatan ang biktima na iniwan na ang motorsiklo at nagmamadaling tumakbo papuntang Barangay Magang.

Samantala, nagtungo naman ang mga personahe ng Daet MPS sa lugar kung saan naganap ang panghoholdap at narekober ang motorsiklo ng biktima habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para sa pagkakakilanlan at ikadarakip ng mga suspek.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *