SUNOG SUMIKLAB SA ISANG BAR SA BAYAN NG PARACALE; KATABING ESTABLISYIMENTO AT BAHAY, NADAMAY DIN

608

Paracale, Camarines Norte (Abril 28, 2016) โ€“ Tinupok ng apoy ang isang resto-bar sa P-7A, Brgy. Bagumabayan sa bayan ng Paracale handang alas-2:10 ng hapon ng Abril 28, 2016.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad, nadiskubre na lamang ng caretaker na si Boyet Abrera ng Twinkle Star Music Bar ang sunog sa likurang bahagi ng establisyimento na siyang dahilan upang madamay din ang katabing bar at isang residential house na pagmamay-ari ni Alex David y Abais.

Tumagal ang naturang sunog ng halos 2 oras na nirespondehan ng mga pamatay-sunog mula sa mga katabing bayan ng Labo at Jose Panganiban at idineklara ring fire out ng bandang alas-4 ng hapon.

Samantala, wala namang napaulat na nasaktan kaugnay ng naganap na sunog batay sa Paracale Fire Station habang patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang kabuuang halagang napinsala ng insidente.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.