ISANG BABAE, NATAGPUANG PATAY SA BAYAN NG CAPALONGA

ISANG BABAE, NATAGPUANG PATAY SA BAYAN NG CAPALONGA

Capalonga, Camarines Norte (Abril 29, 2016) – Natagpuang walang buhay ang isang babae nitong Abril 27, 2016 sa Purok 6, Brgy. Alayao, Capalonga, Camarines Norte.

Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng Capalonga Municipal Police Station, ang biktima ay nakilalang si Yanie A. Dela Vega, 40 anyos at residente ng nasabing lugar.

Batay sa pulisya, tinawagan umano ng kapitan ng barangay na si Santiago Valdez ang Capalonga MPS upang ipaalam na mayroong suicide case na nangyari sa nasabing lugar. Agad namang rumisponde ang mga kapulisan at sa kanilang pagdating ay natagpuan nila ang isang babae na nakatali ang leeg gamit ang nylon na lubid sa kanilang bahay.

Ang 3 taong gulang na anak umano na nagngangalang Joshua ang nakakita dito at agad namang ipinaalam sa kaniyang ama na si Freddie Grifalda.

Pinaniniwalaan naman ng mga kaanak ng biktima na problema umano sa pamilya ang dahilan kung bakit nagpatiwakal ito. Wala namang nakikitang foul play sa nangyaring insidente.

Samantala, ang labi ng biktima ay nakaratay sa nasabing lugar.

Shiela Marie D. Basa
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.