6 NA TAONG GULANG NA BATA, PATAY NANG MALUNOD SA ISANG RESORT SA BAYAN NG STA. ELENA

608

Sta. Elena, Camarines Norte (Mayo 24, 2016) โ€“ Hindi na nagawa pang isalba ang buhay ng isang bata nang malunod ito sa isang resort habang nasa family outing sa bayan ng Sta. Elena nitong Mayo 22, 2016.

Batay sa ulat ng Sta. Elena Municipal Police Station (MPS), bandang alas-2 ng hapon habang nagkakasiyahan ang isang pamilya sa Niogan Garden Resort, sa Purok 1, Brgy. Bulala, Santa Elena, Camarines Norte ay hindi napansin ng mga ito ang dalawa sa kanilang mga kaanak na sina Mary Angela Marmol y Almadrones, 6 na taong gulng, at residente ng Purok 7, Brgy. Plaridel, Santa Elena, Camarines Norte at ang pinsan nitong si Charisse na parehong menor de edad at naglalaro sa swimming pool na para sa nakatatanda na sa hindi malamang dahilan ay kapwa nahulog sa naturang swimming pool.

Agad namang nailigtas ang si Charisse, subalit unconscious na si Marmol nang maiahon sa swimming pool. Isa sa mga kasamang nurse ng grupo ay sinubukan pang iligtas ang bata sa pamamagitan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) subalit hindi na rin ito tumutugon.

Dinala pa ang biktima sa Rosary of Virgin Mary Hospital, subalit idineklara na rin itong dead on arrival ng umasikasong doktor.

Kasalukuyang nasa M.C Saavedra Memorial Homes sa Brgy. Poblacion, Sta Elena, Camarines ang labi ng biktima.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.