LALAKING GUMAGAMIT NG CELLPHONE, PATAY NANG TAMAAN NG KIDLAT SA BAYAN NG TALISAY

608

Talisay, Camarines Norte (Mayo 24, 2016) โ€“ Bumulagta na lang ang isang lalaki sa bayan ng Talisay makaraan itong tamaan ng kidlat habang nasa palayan bandang alas-1:30 ng hapon nitong Mayo 23, 2016.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, may kausap sa cellphone si Joey Aras y Lopez, 36 na taong gulang, binata, at residente ng P-9, Brgy. Mantagbak, Daet, Camarines Norte habang ito ay nasa palayan nang biglan kumidlat.

Nagtamo ng sugat sa katawan si Aras at dinala ng mga rumespondeng pulis mula sa Talisay Municipal Police Station (MPS) sa Our Lady of Lourdes Hospital sa bayan ng Daet.

Agad na ginamot ang biktima hanggang sa bawian na rin ito ng buhay bandang alas-5 ng hapon ng parehong araw.

Nagpaalala naman ang mga eksperto sa lahat ng nasa palayan na umalis na agad sa lugar kung nakikita na ang pagbabago ng panahon o pagkulimlim, hindi dahil sa nakaka-attract ng kidlat o lightning ang cellphone kung hindi sa kadahilanang mas nakakapagpalala ito magiging pinsala sa taong matatamaan ng kidlat dahil na rin sa kabuuan ng mga materyales na mayroon ang naturang gadget.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.