GURO MULA SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, PUMANAW HABANG NASA PAGSASANAY NG K-12 NG DEPARTMENT OF EDUCATION

608

Daet, Camarines Norte (Mayo 26, 2016) โ€“ Biglaan ang pagpanaw ng isang guro sa bayan ng Jose Panganiban habang ito ay nasa pagsasanay ng K-12 Program ng Department of Education (DepEd) nitong Mayo 21, 2016 habang nasa isang hotel sa bayan ng Daet na kinumpirma ni Assistant Schools Division Superintendent Wilfredo .

Kinilala ang namatay na guro na si Lorraine Canque ng Parang Elementary School mula sa naturang bayan.

Ayon kay Gavarra, hindi nila inaasahan ang pangyayari dahil nasa huling araw na aniya ng seminar nang ito ay mangyari kung saan agad naman daw itong naisugod sa ospital.

Katunayan bumuti pa nga raw ng bahagya ang kondisyon ng guro hanggang sa hindi nila inaasahang bawian ito ng buhay nitong Mayo 22, 2016.

Tumanggi namang magbigay ng karagdagang pang detalye ang opisyal hinggil sa ikinamatay ng guro dahil wala umano siyang hawak na findings ng doktor.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang DepEd sa pamilyang naiwan ng namatay na guro.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.