MAG-ASAWA SA BAYAN NG MERCEDES, NASAKOTE NG MGA OTORIDAD DAHIL SA ILEGAL NA DROGA

608

Mercedes, Camarines Norte (Mayo 26, 2016) – Kulungan ang bagsak ng mag-asawa sa isinagawang operasyon laban sa ilegal na droga bandang alas-7 ng gabi nitong Mayo 25, 2016 sa Purok 2, Brgy. 2, Mercedes, Camarines Norte.

Bitbit ang isang search warrant no. D-2016-84 na ipinalabas ni Judge Arniel Dating, Executive Judge ng RTC Branch 41, tinungo ng pinagsanib na pwersa ng Mercedes Municipal Police Station (MPS), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Provincial Intelligence Branch (PIB), at 503rd Maritime sa pangunguna ni PC/Insp, Elmer Azurez, ang tahanan ng mag-asawang sina Mark Paul Garcia, na kilala rin sa tawag na “Biboy”, 33 anyos at Madel Antonette Garcia, 30 anyos.

Nagresulta ang nasabing operasyon sa pagkakakumpiska sa dalawang pirasong heat- sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, 3 piraso ng small unsealed plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu residue at iba’t ibang drug paraphernalia.

Nabatid na si Mark Paul ay nasa Rank No. 4 sa Lambat-Sibat Top Ten Drug Personality sa bayan ng Mercedes.

Nakakulong na ngayon sa himpilan ng Mercedes MPS ang mga suspek at nasa kustodiya na rin nito ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang disposisyon.

Mahaharap ang naarestong mag asawa sa kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.