TAHANAN SA BAYAN NG DAET, NILOOBAN NG HINDI PA NAKIKILALANG KAWATAN; ILANG GADGETS AT PERA, NATANGAY

608

Daet, Camarines Norte (Mayo 30, 2016) – Nilooban ng hIndi pa nakikilalang kawatan ang tahanan ng biktimang si Barbara C. Garcia, 49 anyos, nitong Mayo 29, 2016, bandang alas-3 ng madaling-araw sa Purok 3, Barangay IV, Daet, Camarines Norte.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Daet Municipal Station, natangay ng suspek ang 1 unit ng cellphone na may tatak na Cherry Mobile na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php 500.00; isang cellphone na may tatak na MyPhone na humigit kumulang Php 3,000.00; cash money na may halagang Php 400.00.

Lahat ng nasabing gamit at halaga ay nasa silid ng biktima. Pinaniniwalaan naman na tinanggal ng suspek ang 5 jalousie window sa kanang bahagi ng bahay dahilan upang ito’y makapagnakaw.

Patuloy naman ang operasyon ng Daet MPS upang makilala ang suspek at maibalik ang mga natangay na gamit.

Shiela Marie D. Basa
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.