CELLPHONE REPAIR SHOP SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, PINASOK NG MGA KAWATAN; MGA GADGETS, TINANGAY

608

Jose Panganiban, Camarines Norte (Mayo 31, 2016) – Natangayan ng iba’t ibang gadgets tulad ng laptop at mga cellphones ang isang cellphone repair shop sa Purok 1, Barangay Parang, Jose Panganiban bandang alas-2 ng hapon nitong Mayo 30, 2016.

Batay sa imbestigasyon ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS), nagtungo ang si Alberto Eco y Ruedas, 33 taong gulang, may asawa, at residente ng Purok 1, Barangay Motherlode, Jose Panganiban, Camarines Norte sa kanyang shop upang buksan nito.

Dito na natuklasan ni Eco na sira na ang main door ng naturang shop at nawawala na rin ang isang laptop na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P20,000, at iba’t ibang units ng cellphones at mga accessories nito na tinangay ng hindi pa nakikilalang kawatan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para sa ikadarakip ng suspek at sa posibleng pagkakabalik ng mga ninakaw na mga kagamitan.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *