Daet, Camarines Norte (Hunyo 6, 2016) – Kulungan ang bagsak ng isang babae sa bayan ng Daet matapos itong kumagat sa isang buy-bust operation ng ilegal na droga na isinagawa ng mga otoridad nitong Hunyo 2, 2016 bandang alas-7:50 ng gabi.
Sa isinagawang operasyon ng mga otoridad na isinagawa ng pinagsamang pwersa ng Criminal Investigation and Detention Group – Camarines Norte (CIDG), Provincial Intelligence Branch (PIB), at Daet Municipal Police Station (MPS), nadakip ang suspek na si Marites Caguimbal y Benavedez alyas Tikya na residente Bgry. San Isidro, Daet, Camarines Norte.
Nakuha mula sa suspek ang 11 pakete ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit-kumulang 15 gramo, at marked money.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Daet MPS si Caguimbal at mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165.
Ang naturang operasyon ay kaugnay ng “Oplan Big Berta” ng CIDG na tumututok sa pagsugpo sa ilegal na droga.
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

