Jose Panganiban, Camarines Norte (Hunyo 15, 2016) – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa bayan ng Jose Panganiban nitong Hunyo 14, 2016 bandang alas-7:40 ng gabi.
Ayon sa imbestigasyon ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS), bandang alas-5 ng hapon nang matagpuan ni Brgy. Kagawad Carlito Brondia y Bang ng Brgy. San Rafael, Jose Panganiban, Camarines Norte ang katawan ng biktimang si Emmanuel Lebantino y Lucito 40 taong gulang, may asawa, at residente ng P-1, Brgy. San Rafael, Jose Panganiban, Camarines Norte na wala nang buhay.
Ayon sa mga otoridad, agad namatay ang biktima ng tamaan umano ito kidlat habang namumulot ng mga tuyong dahon ng Abaca.
Kasalukuyang nasa isang punerarya sa Brgy. Parang, Jose Panganiban ang labi ng biktima.
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

