LALAKI SA BAYAN NG MERCEDES, NAHULIHAN NG MGA ILEGAL NA DROGA

608

Mercedes, Camarines Norte (Hunyo 23, 2016) – Arestado ng mga otoridad ang isang lalaki sa bayan ng Mereceds makaraang makumpiskahan ito ng mga ilegal na droga nitong Hunyo 22, 2016 bandang alas-12 ng tanghali.

Dala ang Search Warrant No. D-2016-99 na ipinalabas ni Hon. Arniel A Dating, Executive Judge ng RTC Branch 41, Daet, Camarines Norte, tinungo ng mga operatiba mula sa  Mercedes Municipal Police Station, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Camarines Norte Provincial Intelligence Branch (CNPIB), at 503rd Mercedes Maritime Police ang tahanan ng suspek na si Benjamin Abanes Jr y Laveña, 48 taong gulang, may asawa, at driver.

Nakuha mula kay Abanes ang dalawang (2) small heat sealed plastic sachet na naglalaman ng white crystaline substance na pinaghihinalaang shabu at labing-isang (11) small plastic sachet na nakalagay sa maliliit na pakete na naglalaman ng mga tirang white crystaline substance na pinaghihinalaang shabu.

Nasa pangangalaga na ng Mercedes MPS ang suspek at inihahanda na rin ang kasong paglabag sa RA 9165 laban kay Abanes.

Edwin Datan, Jr. Camarines Norte News

Note: Naniniwala ang Camarines Norte News na nananatiling inosente ang akusado hanggat hindi napatutunayan ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *