MAHIGIT 2,000 DRUG PERSONALITIES, NAITALANG SUMUKO SA BUONG REHIYONG BIKOL; LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE, NAKAPAGTALA NA NG 303 NA MGA KUSANG-LOOB NA SUMUKO

608

Daet, Camarines Norte (Hulyo 9, 2016) – Nakapagtala na ng mahigit sa 2,000 kataong sangkot sa ilegal na droga sa buong rehiyong Bikol.

Ayon sa Philippine National Police – Region V (PNP), nanguna sa bilang ng mga sumuko ang lalawigan ng Camarines Sur na mayroong 1,000; na sinundan ng 650, lalawigan ng Masbate na may 321, Camarines Norte na may 303, Albay na nakapagtala ng 488, at pinakamaliit na bilang naman ang lalawigan ng Catanduanes na mayroon pa lamang 36 na mga naitalang sumuko.

Sinawing-palad naman ang 9 na drug personalities nang mapatay ang mga ito sa anti-illegal drug operations ng mga otoridad mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Umaabot naman sa 78 plastic sachets ng shabu ang nakumpiska na may timbang na 10,867.92 grams, 12 iba’t ibang kalibre ng baril, at 3 hand grenade mula sa magkakahiwalay na operasyon ng mga otoridad.

Ayon naman kay PC/Supt. Melvin Ramon Buenafe, Acting Regional Director ng PNP, inaasahan pa rin nila ang patuloy na paglobo ng mga bilang ng mga sumusuko sa mga susunod pang araw, gayundin ang mga masasawi kung manlalaban dahil sa pinahigpit pang kampanya at operasyon ng mga otoridad kaugnay na rin ng “Oplan TokHang” na ipinatutupad sa naturang rehiyon.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *