Vinzons, Camarines Norte (Hulyo 18, 2016) – Nasakote ng mga otoridad ang 3 katao sa bayan ng Vinzons nang makumpiskahan ng mga ilegal na droga sa isinagawang operasyon ng mga otoridad nitong umaga ng Hulyo 15, 2016.
Sa pinagsamang pwersa ng Vinzons Municipal Police Station (MPS), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Criminal Investigation and Detection Team ng Camarines Norte at Camarines Sur (CIDT), Camarines Norte Provincial Public Safety Company (CNPPSC), at Intelligence Division ng Police Regional Office 5, isinagawa ang isang One Time Big Time (OTBT) operation sa bisa ng 12 search warrants na ipinalabas ni Judge Arniel A. Dating of Regional Trial Court Branch 41, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang mga naaresto na sina Rufinito Clacio y’ Magana ng Purok 1; Ramil Capistrano y’ Clacio ng Purok 2; at Jolito Magana y’ Rojo ng Purok 3, na pawang mga residente ng Brgy Aguit-it, Vinzons.
Nakuha mula sa mga suspek ang 13 plastic sachets ng pinaghihinalaang Shabu; 1 Remington cal .45 pistol na may lamang 1 magazine; 6 na bala; at ilang mga drug paraphernalia.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Vinzons MPS ang mga suspek para sa karampatang disposisyon, habang ang mga ebidensyang nakumpiska ay nasa pangangalaga ng CIDT-Camarines Norte para rin sa kaukulang disposisyon.
(photo courtesy: CIDG Bicol)
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

