Daet, Camarines Norte (Hulyo 19, 2016) – Timbog ang isang notorious drug pusher sa bayan ng Daet ng mahuli ito ng mga otoridad nitong Hulyo 18, 2016 bandang alas-11:15 ng gabi.
Batay sa ulat ng Daet Municipal Police Station (MPS), ginawa ang pag-aresto sa suspek na si Joel Labarador y Abaiz alias Bingo, 29 na taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Purok 8, Barangay I, Daet, CAmarines Norte sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas nitong July 7, 2016 sa sala ni Judge Roberto A Escaro ng Regional Trial Court Branch 38, Daet, Camarines Norte dahil sa paglabag sa Section 12, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002), sa ilalim ng criminal case number 17533, na may piyansang Php 80,000.00.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang caliber .38 revolver na may kargang 5 bala; at 2 transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang Shabu.
Si Labrador ay kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Daet MPS para sa karampatang disposisyon.
(photo courtesy: Ricky Pera)
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

