July 25, 2016, Labo, Camarines Norte – Isang public school teacher mula sa Bulhaw Elementary School sa Brgy Bulhaw, Labo Camarines Norte ang hinoldap sa mismong paaralan at tinangay pa ang motorsiklo nito.
Sa nakalap na impormasyon ng Camarines Norte News mula sa Labo PNP, nag overtime sa eskwelahan ang guro na si Ginoong Maximino Hernandez Y Samante, 55 taong gulang residente ng Brgy 1, Poblacion Vinzons, Camarines Norte, at ganap na alas 8:30 nang pauwi na ang biktima, isang hindi nakilalang lalaki na nakasuot ng bonet ang lumapit sa kanya, itinutok sa kanya isang patalim kasabay pahayag na “wag kang maingay… papatayin kita!”
Pinabalik sa loob ng silid aralan si Hernandez at doon piniringan ang kanyang mga mata at itinali ang mga kamay.
Matapos nito ay sinimulan nang kunin kanyang suot na gintong kwintas na nagkakahalaga ng tatlumput limang libong piso (P35,000.00), singsing na nagkakahalaga ng dalawampung libong piso (P20,000.00), pati ang kanyang wallet na naglalaman ng mgahahalagang dokumento at pitong libong (P7,000.00) piso.
Sa pag takas ng suspek, tinangay pa nito ang motorsiklo ng biktima na Suzuki Smash na kulay itim na may plakang 4417-IW.
Nagawa namang makasumbong ng biktima sa pulisya at agarang isinagawa ang hot pursuit operation.
Ng gabi ding yun, ganap na alas onse bente (11:20pm) ng gabi, natagpuan ang kanyang motorsiklo malapit sa isang establishimento sa Brgy Kalamunding sa naturan ding bayan.
Agaran ding nagsagawa ng follow up investigation ang Labo PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek. Sinisiyasat na rin ang mga CCTV Camera sa mga kalapit na establishimento na posibleng dinaanan ng suspek.
Camarines Norte News

