ARMY RESERVIST NA SUSPEK SA PAGPATAY SA ISANG SIKLISTA, NAARESTO NG MGA SUNDALO AT PULIS SA MASBATE

CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur (Hulyo 29, 2016)– Naaresto ng pinagsamang elemento ng 9th Infantry Battalion, mga Intelligence Service Units ng Philippine Army at PNP Masbate sa loob mismo ng kanyang pamamahay sa Brgy. Poblacion East, Milagros, Masbate si Pvt Vhon Martin Tanto kaninang 11:52 ng tanghali.

2-608

Si Pvt Tanto ang Army Reservist na pangunahing suspek sa pamamaril na naging sanhi sa pagkamatay ng isang siklesta sa Quiapo na kinilalang si Mark Vincent Geralde. Matatandaan na nitong nakaraang Hulyo 25 lamang ay nakunan sa CCTV ang pangyayari at ito ang naging ebidensya para madiin sa nasabing krimen ang Army Reservist.

1-608

Naaresto ang supek matapos na magpatulong ang asawa nito sa isang Army Reservist sa Bicol na siyang nakipag-unayan sa mga kinauukulan para sa planong pagsuko nito. Nasa pangangalaga na ngayon ng Police Provincial Office ng Masbate si Pvt. Tanto para sa pagproseso ng mga kaukulang kaso laban sa kanya.

(Photo Courtesy: Capt. Gil Perez)

Capt. Gil Perez/SOLCOM for Camarines Norte  News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *