BABAENG SUSPEK SA KASONG TANGKANG PAGPATAY, ARESTADO SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN. LALAKI ARESTADO SA BAYAN NG DAET SA KASONG PAGPATAY

BABAENG SUSPEK SA KASONG TANGKANG PAGPATAY, ARESTADO SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN. LALAKI ARESTADO SA BAYAN NG DAET SA KASONG PAGPATAY

Jose Panganiban, Camarines Norte (Hulyo 29, 2016) – Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang ginang sa bayan ng Jose Panganiban na suspek sa kasong attempted murder nitong nakatalikod na araw ng martes (July 26, 2016) bandang alas 4 ng hapon.

Kinilala ang nadakip na si Analiza Latuna y Jerez, 35 na taong gulang, residente ng Purok 4, Barangay Santa Rosa Norte. Inaresto si Latuna sa bisa ng isang warrat of arrest na ipinalabas noong Hulyo 3, 2016 sa sala ni Judge Wilfredo F. Herico ng Municipal Trial Court, Jose Panganiban, Camarines Norte para sa kasong Attempted Homicide, sa ilalim ng criminal case number 7507 na may katumbas ng piyansang Php 6,000.00.

Samantala, kasalukuyang hawak ng Jose Panganiban MPS ang nasabing suspek para sa karampatang disposisyon.

608 daet map

Daet, Camarines Norte (Hulyo 29, 2016)  – Arestado sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Daet Municipal Police Station (MPS) at Camarines Norte Crime Investigation Detection Team ang isang lalaki sa bayan ng Daet sa kasong homicide nitong nakatalikod araw ng martes (July 26, 2016) bandang 8:30 ng umaga.

Kinilala ang nasabing suspek na si Flaviano Palean y Galarosa, 54 na taong gulang, may asawa tricycle driver at residente ng Barangay Alawihao. Ginawa ang pag aresto sa nasabing suspek sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ni Judge Evan D Dizon ng Regional Trial Court Branch 40, Daet, Camarines Norte, na may petsang July 21, 2016 para sa kasong Homicide, sa ilalim criminal case number 8220.

Kasalukuyang nasa himpilan ng Daet MPS si Palean para sa karampatang disposisyon.

Dian Poblete

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *