SASAKYAN NG ISANG GINANG, PINAGNAKAWAN NG MGA HINDI NAKILALANG KAWATAN SA BAYAN NG DAET

Daet, Camarines Norte (July 29, 2016) – Dumulog sa himpilan ng pulisya ang ginang na si Josephine Lim Guan matapos matuklasan na nawawala ang ilang parte ng kanyang sasakyan na nakaparada sa harapan na kanilang bahay sa Barangay V Daet, Camarines Norte nitong nakatalikod na araw ng biyernes (Hulyo 22, 2016).

Batay sa imbestigasyon na isinagawa ng Daet Municipal Police Station, dakong alas 8 hanggang 9 ng gabi naganap ang insidente, napag alaman din na nawawala na ang (1) set ng side mirror na nagkakahalaga ng Php 40,000.00 at apat (4) piraso ng wheel center cap na nagkakahalaga naman ng Php 5,200.00 ng kanyang Toyota Fortuner model 2016 ng may conduction sticker na VB3583 na pinaniniwalaang ninakaw ng mga hindi nakilalang mga kawatan.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang follow-up investigation ng mga otoridad sa ikadarip ng suspek at pagkakabalik ng mga ninakaw na bahagi ng sasakyan ng biktima.

Dian Poblete

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *