17 ANYOS NA DALAGA, BIKTIMA NG SNATCHING SA BAYAN NG DAET

608-daet-map

Daet, Camarines Norte (Agosto 1, 2016) – Wala ng nagawa pa si Mary Joy Ramos y Diparene ng siya ay mabiktima ng mga snatcher, bandang 7:30 ng gabi nitong nakatalikod na araw ng Sabado (Hulyo 30, 2016) habang siya ay nagbabantay ng kanilang tindahan sa Purok 2, Barangay Magang sa bayan ng Daet.

Ayon sa salaysay ng biktima, nasa loob umano siya ng kanilang tindahan ng maganap ang insidente kung saan dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang pumarada at bumili ng softdrinks sa kanya. Nag abot pa umano ng bayad ang dalawa at nang iaabot na niya ang sukli ay dumukwang ang isa sa mga suspek saka hiniklas ang suot niyang gold at saka nagpaharurot ang dalawa gamit ang isang single motorcycle. Tinataya namang nasa 20,000 ang halaga ng natangay na alahas mula sa biktima.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga operatiba ng Daet MPS para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek at pagkakabawi ng ninakaw na gamit

Dian Poblete

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *