Daet, Camarines Norte (Agosto 1, 2016) – Arestado ang 3 drug personalities na ikinasang entrapment (buy-bust) operation ng Daet Municipal Police Station (MPS) bandang 4:30 ng hapon nitong nakatalikod na araw ng lunes (Agosto 1, 2016) sa J. Pimentel St., Barangay V, sa bayan ng Daet.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina: Aileen Morales Artiaga, 23 taong gulang, walang asawa at residente ng Brgy. Magang, Daet; Harold Sureta Dayondon, 37 taong gulang, may asawa at residente ng Purok 2, Barangay VIII, Daet; at Irene Borrero Escusar, 27, walang asawa, residente naman ng Purok 10, Barangay VIII, Daet, Camarines Norte.
Ayon sa ulat na natanggap ng Camarines Norte Police Provincial Office, pinangunahan ni SPO1 Rommel J. Sebastian, sa ilalim ng superbisyon ni PSUPT WILMOR G HALAMANI ang nasabing buy-bust operation kung saan target nila si Artiaga. Nagpanggap ang isang pulis na buyer gamit ang marked money na agad na tinanggap ng suspek kapalit ang ibinebenta nitong shabu. Naging hudyat naman ito ng mga operatiba at agad na inaresto si Artiaga na hindi na nakaalma pa. Dinakip din ang dalawa pang kasamahan nito matapos makunan din ng shabu.
Narekober mula kay Artiaga ang: isang (1) piraso ng big heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, isang (1) piraso ng big unsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, isang (1) piraso ng glass tooter, isang (1) piraso ng plastic straw with suspected shabu residue, isang (1) piraso ng glass tube, isang (1) piraso ng improvised burner,at isang (1) piraso ng five hundred peso bill (Php 500.00) na siyang ginamit na marked money; samantala nakuha naman mula kay Escusar ang: isang (1) piraso ng big heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu; at mula kay Dayondon ay isang (1) piraso ng big heat sealed transparent plastic hinihinalang naglalaman din ng ipinagbabawal na gamot.
Dinala ang mga narekober na ebidensya sa Provincial Crime Laboratory Office para sa pagsusuri, habang hawak naman ngayon ng Daet MPS ang mga nahuling suspek para sa karampatang disposisyon ng mga ito.
Dian Poblete
Camarines Norte News

