Paracale, Camarines Norte (Agosto 3, 2016) – Nagtamo ng head injury at nawalan ng malay ang isang estudyante sa bayan ng Paracale matapos na ito’y sumabit at aksidenteng mahulog mula sa isang tricycle bandang 5:10 ng hapon nitong nakatalikod na araw ng lunes (Agosto 1, 2016).
Ayon sa imbestigasyong isinagawa ng Paracale MPS, sumakay ang biktima na kinilalang si Joven Besa y Llandilar, 9 na taong gulang at residente ng Purok 3, Gawad Kalinga, Barangay Maybato, Paracale, Camarines Norte at mga kaklase nito ng isang pribadong tricycle na may plate number na 2233CS na minamaneho ng isangBienvinido Pido Jr y Castilar, 33 anyos, walang asawa at residente ng Purok Matahimik, Barangay Palanas ng parehong bayan.
Dahil sa dami ng sakay nito ay nag desisyon ang biktima na tumayo sa may stand sa may gilid ng wheel fender ng tricycle at habang nasa byahe mula Dalnac Elementary School patungong Brgy. Batobalani aksidenteng nakabitaw at nahulog ang biktima sa sementadong daan dahilan upang siya ay magtamo ng head injury at mawalan ng malay.
Agad namang dinala ang biktima sa Labo District Hospital sa Barangay Talobatib, Labo, Camarines Norte upang mabigyan ng paunang lunas at masuri ng doktor.
Dian Poblete
Camarines Norte News

