8 KATAO, ARESTADO MATAPOS MAAKTUHANG NAGSASAGAWA NG BULI-BULI FISHING SA BAYAN NG VINZONS

vinz6008

Vinzons, Camarines Norte (Agosto 5, 2016) – Huli sa akto ng iligal na pangingisda ang walong katao sa bayan Vinzons kahapon (Agosto 4, 2016) sa isinagawang operasyon ng Vinzons Municipal Police Station (MPS) kasama ang mga miyembro ng Bantay Dagat sa may bahagi ng Solong Bato Island, Brgy Banocboc, Vinzons, Camarines Norte bandang alas sais ng umaga.

Nakilala ang mga nahuling suspek na sina: Albert Cañas y Abinas, 34 taong gulang, may asawa; Oliver Jimenez y Austria, 42 taong gulang, may asawa; Rogelio Baras y Manzano, 43 taong gulang, may kinakasama; Rodolfo Fuentes y Bibat , 46 taong gulang, may asawa; Michael Recamara y Morcon, 31 taong gulang, may asawa; Edgar Encinas y Parcia, 48 taong gulang, balo; Jeffrey Morabe y Bumatayo, 31 taong gulang, may asawa at Tammy Labuac y Ato, 41 taong gulang, may asawa, pawing mga residente ng Mercedes, Camarines Norte.

Ayon sa ulat na ipinadala sa Camarines Norte Police Provincial Office, habang nagsasagawa diumano ng operasyon ang mga otoridad at Bantay Dagat ng nasabing bayan kontra illegal fishing, ay naaktuhan ng mga ito ang isang bangka lulan ang mga suspek habang nagsasagawa ng buli-buli fishing.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Bantay Dagat ang mga narekober na ebidensya habang ang mga nahuling suspek naman ay dinala sa himpilan ng Vinzons MPS para sa karampatang disposisyon. Samantala, inihahanda naman ang iang criminal complaint sa mga naaresto bilang paglabag sa Municipal Ordinance Nr 48-2010, Sec of 7c.06 letter “M” (Operation of Buli-buli).

Dian Poblete

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *