Jose Panganiban, Camarines Norte (Agosto 30, 2016) – Agad na isinugod sa pagamutan ang isang lalaki sa bayan ng Jose Panganiban makaraan itong pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin nitong Agosto 28, 2016 bandang alas-10:30 ng gabi.
Batay sa ulat ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS), habang naglalakad ang biktimang si Renato De Leon Jr alias “Tesoy/Boyet”, nasa wastong edad, may asawa, at residente ng Purok 6, Brgy Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte sa kanilang lugar ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng dalawang lalaking kasunod nito na may suot na bonnet.
Nagtamo ng ang biktima ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan habang tumakas naman kaagad ang mga suspek.
Itinakbo naman ng si De Leon ng asawa nito sa Barrios Hospital sa Brgy. Sta Rosa Norte at kinalaunan ay inilipat din sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).
Nakuha mula sa pinangyarihan ng insidente ang 10 basyo ng kalibre .45.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkakakilanlan at ikadarakip ng mga suspek.
Napag-alaman na asi De Leon ay kasama sa drug watchlist ng mga otoridad sa bayan ng Jose Panganiban.
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

