Daet, Camarines Norte (Setyembre 2, 2016) – Huli sa isinagawang operasyon ng mga otoridad ang isang pinaghihinalaang tulak ng droga sa Brgy. VI, Daet, Camarines Norte nitong Agosto 29, 2016 bandang alas-8:25 ng gabi.
Batay sa ulat ng Daet Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Camarines Norte Investigation Detection Group (CIDG) kasama ang ilang opisyal ng naturang barangay at media, isinagawa ang isang buy-bust operation sa suspek na si Juluis Rieza Y Boayes, 26 taong gulang, binata, at residente ng Mercedes Road, Brgy. VIII, Daet, Camarines Norte.
Nakumpiska mula sa suspek ang 3 small-size heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang “Shabu”; Php 500.00 na ginamit bilang buy-bust money; 1 gunting; at perang nagkakahalagang P400 na pinaghihinalaang pinagbentahan ng ilegal na droga.
Samantala, Kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang nakatakdang kaharapin ng suspek habang nasa kustodiya na ito ng Daet MPS para sa karampatang disposisyon.
(photo courtesy: Rhon Ledesma)
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

