Basud, Camarines Norte (Setyembre 8, 2016) – Hindi na nakapalag pa ang isang lalaki sa bayan ng Basud nang dakpin ito ng mga otoridad nitong Setyembre 7, 2016 bandang ala-1:30 ng hapon dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Ladea St., Barangay Poblacion 2, Basud, Camarines Norte.
Batay sa ulat ng Basud Municipal Police Station (MPS), isinagawa nila ang isang buy-bust operation sa suspek na si Freddie Fernandez Y Aguilar, alias “PIDOY”, 36 na taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng Purok 4, Barangay Tacad, Basud, Camarines Norte.
Nagresulta ang naturang operasyon sa pagkakakumpiska sa 3 small heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang Shabu; 2 aluminum foil; at P500 na ginamit bilang buy-bust money.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Basud MPS ang suspek habang inihahanda na ang mga kaukulang kasong isasampa laban dito.
(photo courtesy: Ronald Molina)
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

