7 TAONG GULANG NA BATA, PATAY NANG MALUNOD SA ISANG BEACH SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

Jose-Panganiban-608

Jose Panganiban, Camarines Norte (Setyembre 14, 2016) – Hindi na nagawa pang maisalba ng isang tatay ang anak nito nang malunod sa isang beach sa Brgy South Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte nitong Setyembre 10, 2016 bandang alas-4:30 ng hapon.

Batay sa ulat ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS), habang naliligo ang biktimang si Joshua Valeros, residente ng Purok 5, Brgy Motherlode, Jose Panganiban, Camarines Norte kasama ang tatay nito na si Sherwin Valeros y Hirang at mga kaibigan ay hindi napansin nito na nalulunod na ang kanyang anak.

Sinubukan pang isalba ang bata subalit binawian na rin ito ng buhay.

Kasalukuyan nasa kanilang tahanan ang labi ng biktima.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *