LALAKI, NAGPATIWAKAL SA KANILANG TAHANAN SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN

Jose-Panganiban-608

Jose Panganiban, Camarines Norte (Setyembre 15, 2016) – Natagpuang nakabigti at wala nang buhay ang isang padre de pamilya sa Purok 4, Barangay Bagongbayan, Jose Panganiban, Camarines Norte nitong Setyembre 13, 2016 bandang alas-7 ng gabi.

Batay sa ulat ng Jose Panganiban Municipal Police Station (MPS), natagpuan ang biktima na si Edwindo Estrella y Ogma, 49 na taong gulang, may asawa, at residente ng naturang lugar ng anak nito na nakabigti sa kisame ng kanilang bahay gamit ang isang nylon cord at may laslas sa kaliwang pulso.

Isang suicide note din na nakalagay sa styrofoam ang nakalagay na may nakasulat na “AKO LANG PO ANG MAY KASALAN EDWINDO”.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Edirlina Medenilla y Ogma, bago pa man ang naturang insidente ay napansin na nitong tahimik ang biktima at ayaw makipag-usap na parang mayroong problema.

Dinala na ang labi ng biktima sa isang punerarya sa Barangay Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte para sa autopsy habang inaalam pa rin ng mga otoridad ang motibo ng pagpapakamatay nito.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *