ISA PATAY, DALAWA SUGATAN MATAPOS BUMANGGA ANG ISANG KOTSE SA PUNONG-KAHOY SA BAYAN NG TALISAY

Talisay, Camarines Norte (October 4, 2016) Isa ang patay at dalawa ang lubhang nasugatan sa isang aksidente kanina 7:15 ng umaga October 4, 2016 sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Sto. Niño, Talisay, Camarines Norte. Kinilala ang mga biktima na si Michael Greg Medina y Pineda, 25 taong gulang, binata, at residente ng 7 B, Adams St. SFDM Quezon City,(driver) at ang kanyang kasama na si Brendo Quema y Hosalla, 49 taong gulang, may asawa, at residente ng Block 12, Lot 8, San Pedro 7, Novalichez, sales representative ng Hella Automotive Co. na dinala agad ng Talisay Pulis sa Camarines Norte Provincial Hospital upang lapatan ng lunas. Samantala dineklara naman ni Dra Martinez na patay ang kanilang kasamahan na si Anedem Medina y Cruz, 28 taong gulang, lalaki, Sales Agent, residente ng Barangay Conception, Marikina City pagkatapos ng ilang minutong dumating sa hospital.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Aristotle Brofas tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng Daang Maharlika sakay ng kanilang kulay silver gray at anim (6) n buwan pa lamang na Toyota Vios may plakang AAW 4271. Napagalamang umalis ng Manila ang mga biktima dakong 12:30 ng hating gabi at papunta sana sa Bayan ng Daet upang maghatid ng mga automotive parts. At pagdating sa Barangay Sto Niño, Talisay, Camarines Norte diumano ay nakatulog ang driver dahil sa pagod at puyat na naging sanhi upang mawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong sasakyan at bigla itong sumalpok sa isang punong kahoy sa kaliwang bahagi ng kalsada sa nasabing lugar. Napagalaman nang mga Pulis Talisay na naka seatbelt ang dalawa sa harapan at nakatulong din ang airbag ng kotse kung kayat nakaligtas ang mga ito sa matinding impact ng pagkakabangga. Habang wala namang seatbelt ang pasahero sa likod, na posibleng naging dahilan ng malakas impact nito sa loob ng sasakyan na nagdulot ng malubhang pinasala sa ibat ibang parte ng katawan.

PO2 Roy A Delos Reyes Jr.

For Camarines Norte News

Photos by Nardz Hernande

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *