Vinzons, Camarines Norte (Oktubre 7, 2016) – Itinakbo sa pagamutan ang dalawang kataong sugatan sa naganap na aksidente sa pagitan ng close van at jeep sa bayan ng Vinzons nitong Oktubre 5, 2016 bandang alas-3 ng hapon.
Batay sa ulat ng Vinzons Municipal Police Station (MPS), binabagtas umano ng isang Fish Dealer Jeep na may plate number na EBA 689 na minamaneho ni ang kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng bayan ng Vinzons galing sa bayan ng Mercedes patungo sa bayan ng Labo upang magdala ng humigit-kumulang 200 kaing ng nilagang isda para ilagay sa kanilang imbakan sa bayan ng Labo.
Pagdating sa bahagi ng Brgy. Sto Domingo, bigla umanong nagpreno ang sasakyang nasa unahan nito dahilan upang ikabig sa kaliwang bahagi ng daan ang jeepney at makasalpukan naman ang isang 6-wheeler close van na may plate number na PJP 685 na kasalubong nito.
Sa lakas ng pagbangga ay nahulog pa ang isang bata samantalang nagtamo ng pinsala ang mukha ng isa mga sakay ng jeep na kinilala si Michael Adan.
Agad naman isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ang mga sugatan habang nasa kustodiya na ng Vinzons MPS ang mga sasakyang sangkot sa aksidente.
Orlando Encinares
Camarines Norte News

