Daet, Camarines Norte (Oktubre 10, 2016) – Kulong ang isang binata nang hainan ito ng warrant of arrest nitong Oktubre 8, 2016 bandang alas-7 ng gabi sa Central Plaza Terminal, Purok 2, Brgy Lag-on, sa bayan ng Daet dahil sa kinakaharap nitong kasong pang-aabuso.
Batay sa ulat ng Daet Municipal Police Station (MPS), kanilang inaresto ang suspek na si Emmanuel Espiritu y Bobis alias “Nono”, 20 taong gulang, laborer at resident ng Purok 9, Brgy IV (Mantagbak) Daet, Camarines Norte sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas noong October 2, 2013 ni Judge Evan D Dizon of Regional Trial Court Branch 40 ng Daet, Camarines Norte dahil sa paglabag sa Section 10 ng Republic Act 7610 (Special Protection against Child Abuse).
Pinayagan namang pansamantalang makalaya ang suspek kung makakapagpiyansa ito ng Php 80,000.
Si Espiritu ay ika-10 sa listahan ng Municipal Most Wanted para sa buwan ng Oktubre 2013.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Daet MPS ang suspek para sa karampatang disposisyon.
Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

