BABAENG RANK NUMBER 1 SA PRIORITY TARGET AT KINAKASAMA NITO, ARESTADO NG PULISYA SA BAYAN NG DAET

608

Daet, Camarines Norte (Oktubre 11, 2016) – Timbog sa isinagawang operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga ang mag-live in partner sa bayan ng Daet nitong Oktubre 10, 2016 bandang alas-7:10 ng umaga.

Batay sa ulat ng Daet Municipal Police Station (MPS), kanilang isinagawa ang search warrant katuwang ang mga operatiba mula sa Camarines Norte Criminal Investigation Detection Team (CNCIDT), at Regional Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group 5 (RAIDSOTG) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office V (PDEA), kasama ang ilang media at barangay officials ng Barangay VII.

Ito ay sa bisa ng search warrant No. D-12- 2016 dahil sa paglabag sa RA 9165 na ipinalabas nitong October 7, 2016 sa sala ni Judge Ivan D Dizon of Regional Trial Court, Branch 40 para sa mga suspek na sina Jocelyn Arana y Macabuhay, 37 taong gulang, may asawa, Ranked No. 1 sa top 10 Priority Target, at Jerome Tomas y Anacin, 37 taong gulang, binata, at parehong residente ng Diego Liñan Pilar street, Brgy. VII, Daet, Camarines Norte.

608-1

Nagresulta ang naturang operasyon sa pagkakakumpiska sa 4 large heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu; 9 small heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu; at Php 2,440.00.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Daet MPS ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.

Edwin Datan, Jr.
Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *