ISANG CARETAKER MULA SA BAYAN NG LABO, PATAY NANG PAGTATAGAIN NANG MAPIKON ANG KAINUMAN NITO

608-map-labo

Labo, Camarines Norte (Oktubre 19, 2016) – Dead on the spot ang isang lalaki makaraang pagtatagain ito ng kanyang kainuman sa bayan ng Labo nitong Oktubre 18, 2016 bandang alas-4 ng hapon.

Batay sa ulat ng Labo Municipal Police Station (MPS), bandang alas-8:30 ng gabi ng parehong araw  nang magtungo sa kanilang himpilan ang isang barangay kagawad ng Brgy. Dumagmang kasama at tanod nito kasama ang suspek na si Arnel Carilla y Amparado, 36 na taong gulang, may asawa, at residente ng Purok 1, Brgy. Dumagmang, Labo, Camarines Norte.

Ayon sa salaysay ng barangay kagawad, nag-iinuman umano ang suspek at biktimang si Edgar Valenzuela, 26 taong gulang, may asawa, caretaker, mula sa Lopez, Quezon, at pansamatala ring naninirahan sa Purok 1, Brgy. Dumagmang, Labo, Camarines Norte nang magkaroon ang dalawa ng mainitang pagtatalo na nagresulta sa suntukan.

Matapos umano nito ay umuwi ng kanilang bahay si Carilla para kumuha ng bolo at binalikan ang biktima para pagtatagain sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Labo MPS ang suspek habang inihahanda na ang mga kaukulang kasong isasampa dito. (Edwin Datan, Jr.)

Leave a Reply

Your email address will not be published.