34 ANYOS NA BABAE, HULI DAHIL SA PAGBEBENTA NG ILEGAL NA DROGA SA BAYAN NG DAET

608

Daet, Camarines Norte (Oktubre 21, 2016) – Arestado ng pulisya sa bayan ng Daet ang isang babae sa isinagawang buy-bust operation nitong Oktubre 20, 2016 bandang alas-4 ng hapon.

Batay sa ulat ng Daet Municipal Police Station (MPS), naaresto ng pinagsamang-pwersa ng Camarines Norte Criminal Investigation Detection Group (CIDG), Provincial Intelligence Branch (PIB), sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ng naturang himpilan ang suspek na si Helen Mago Bordonada, alias “Negra”, 34 na taong gulang, may asawa, at residente ng Purok 1, Barangay IV, Daet, Camarines Norte nang mapagbilhan ito ng mga otoridad ng ilegal na droga.

Nakumpsika mula kay Mago ang 5 heat-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang “Shabu”; at Php500.00 na ginamit bilang marked money.

Samantala, inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na isasampa laban sa suspek. (Edwin Datan, Jr.)

(photo courtesy: Nardz Hernandez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *