BINATANG MAGSASAKA NA SAKSI SA ISANG KRIMEN, NATAGPUANG PATAY SA ABANDONADONG MINAHAN SA BAYAN NG PARACALE

608-map-paracale

Paracale, Camarines Norte (Oktubre 26, 2016) – Natagpuang patay ang isang magsasaka Purok 5, Barangay Batobalani sa bayan ng Paracale nitong Oktubre 25, 2016 bandang ala-1:09 ng hapon.

Batay sa ulat ng Paracale Municipal Police Station (MPS), inihayag ng ina ng biktima na si Elsie Nieva y Pabia na umalis ang kanyang anak na si Raymond Nieva y Pabia, 19 na taong gulang, binata, at residente ng naturang lugar nitong Oktubre 24, 2016 at hindi na bumalik.

Dito na sinimulang hanapin ni Elsie ang kanyang anak kung saan natagpuan niya itong wala nang buhay sa isang abandonadong minahan sa parehong lugar at may tama ng bala sa dibdib.

Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, saksi rin umano ang biktima sa isang insidente ng pagnanakaw na iniimbestigahan ng Paracale MPS.

Samantala, patuloy pa ring nagsasagawa ng follow up investigation ang mga otoridad sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek. (Edwin Datan, Jr.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *