SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE, TINANGGAP NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE

608

Sofitel Philippine Plaza Manila, Pasay City (Oktubre 29, 2016) – Nakasama ang lalawigan ng Camarines Norte sa tumanggap ng Seal of Good Local Governance (SGLG) nitong Oktubre 27, 2016 sa Sofitel Philippine Plaza Manila na bahagi ng culminating ceremony ng ika-25 taong anibersaryo ng Local Government Code (LGC) sa bansa.

Ang pagbibigay ng naturang parangal ay pinangunahan ni Interior and Local Government Secretary Ismael ‘Mike’ D. Sueno kung saan umaabot sa 306 ang SGLG awardees; 43 dito ay mga probinsya; 51 mga lungsod; at 212 munisipalidad.

Mismong sina Hon. Edgardo Tallado, Acting Governor Engr. Jonah Pimentel, at ilang mga head of offices ng pamahalaang panlalawigan ang tumanggap ng parangal mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Acting Governor Jonah Pimentel, sa 81 probinsya sa buong bansa, 43 lang sa mga ito ang nakatanggap ng SGLG at sa buong rehiyong Bikol naman mga lalawigan lamang ng Camarines Norte, Sorsogon, at Catanduanes ang nakatanggap ng parangal

Dagdag pa ni Pimentel, ang panibagong pagkilala na ito ay nagpapatunay lamang ng magandang performance ng lalawigan sa larangan ng mabuting pamamahala dahil isinagawa umano ang evaluation na ito sa panahon ng pamumuno nilang dalawa ni Tallado dahil na rin sa mga proyekto at programang ipinatupad ng pamahalaang panlalawigan.

Sa huli ay sinabi ni Pimentel na patuloy pa rin nilang ang gagawin ang maayos na pamamahala para pa rin sa kapakanan ng mga CamNorteños.

(Edwin Datan, Jr.)

(photo courtesy: Gob Boboy Cua)

Leave a Reply

Your email address will not be published.