LALAKI SA BAYAN NG DAET, NASAKOTE NG MGA OTORIDAD MAKARAANG MAPAGBILHAN NG ILEGAL NA DROGA

608 daet map

Daet, Camarines Norte (Oktubre 31, 2016) – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isa na namang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang operasyon sa bayan ng Daet nitong Oktubre 30, 2016 bandang alas-3:15 ng hapon.

Batay sa ulat ng Daet Municipal Police Station (MPS), kanilang isinagawa ang isang buy-bust operation sa suspek na si Allan Asor y Lopez, 43 taong gulang, may kinakasama, at residente ng Purok 7, Barangay Alawihao, Daet, Camarines Norte katuwang ang mga operatiba mula sa Camarines Norte Provincial Public Safety Company (CNPPSC) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency 5 (PDEA-V).

Nagresulta ang naturang operasyon sa pagkakadakip kay Asor, gayundin ang pagkakakumpiska sa 4 na small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaghihinalaang Methamphetamine hydrochloride or “Shabu”; at Php 500.00 na ginamit bilang buy-bust money.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Daet MPS ang suspek para sa karampatang disposisyon. (Edwin Datan, Jr.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *