
Daet, Camarines Norte – Tiklo ang isang isang 50 anyos na lalaki matapos mahuli ng security guard ng 101 Department Store sa Purok 1, Brgy IV, Daet, Camarines Norte habang umano’y nagsa-shoplift ng mga relos sa nasabing tindahan, ala-1 ng hapon nitong Disyembre 31 ng nakatalikod na taon.
Kinilala ang suspek na si Ross Templo y Atienza, may asawa, college graduate subalit walang trabaho, at residente ng Barangay Gubat sa bayan ng Daet.
Narekober sa suspek ang mga relos na may tatak na G-Shock na nagkakahalaga ng P350, Emporio Armani na may halagang P150, Wilson na may halagang P200, at Geneva na may halagang P150. Pinaniniwalaang pawang mga pirated ang naturang mga relos dahil sa napakababang halaga nito.
Matapos na sampahan ng reklamo ang suspek, tanong naman ng ilan kung kelan naman aaksyunan ng mga awtoridad ang pamunuan ng 101 Department Store na nagbebenta ng mga pirating kagamitan.

