Dumipensa si Mayor Ronnie Magana ng bayan ng Talisay kaugnay ng mga reklamo laban sa kanya sa social media may kaugnayan sa pag hihigpit nito sa pagpapagamit ng sports complex sa naturang munisipalidad.
Sa panayam ng Cool Radio News kay Mayor Magana, sadya nilang pansamantalang ipinasarado ito upang ayusin ang alituntunin ng pagpapagamit nito sa kanilang mga kababayan.
Ito ay dahil sa hindi magandang ginagawa ng ilan sa kanilang mga kababayan partikular ang pagsira o pag vandalize sa ilang mga kagamitan sa loob, kabilang na ang pag pagsira ng mismong basketball ring.
Nilinaw ni Magana na ang nasabing sports complex ay para sa kanilang mga kababayan at maaari nila itong gamitin ng libre, subalit marapat lang naman na ito ang kanilang pag ingatan.
Tanging ang kunsumo lamang sa kuryente ang kanilang sinisingil sa mga gumagamit nito tuwing gabi, at libre nga ang pag gamit ng mismong pasilidad.
Simula anya ngayon ay nag set up ng sila ng bagong panuntunan kung papano ang pagpapagamit nito. Kinakailangan lang anya na magpaalam ng maayos sa kanyang sekretarya upang makuha ang pangalan ng mga gagamit nito at upang makilala nila kung sino ang dapat na habulin sakaling sirain na naman ang mga kagamitan doon.
Anya, pera ng mamamayan ng talisay ang ginagamit sa pag sasaayos nito kung kayat marapat lamang na mapag-ingatan nila ito.
Hindi rin anya nila ito ipagdadamot dahil pag aari ito ng mga mamamayan ng Talisay. Obligasyon lamang nya na pangalagaan ito bilang namumuno sa kanilang bayan.
Camarines Norte News

