Enero 13, 2017, Labo, Camarines Norte – Mismong ang Philippine Army sa lalawigan ang humingi ng tulong sa Philippine National Police sa lalawigan upang isilbi ang isang warrant of arrest sa magkapatid na pinaghihinalaang miyembro ng isang local terrorist group sa barangay Talobatib sa bayan ng Labo kamakalawa ng gabi.
Ayun kay PNP Provincial Director PSSput. Rodolf Dimas sa eksklusibong panayam ni Rod Aycocho ng Brigada News FM Daet, sinabi ng opisyal na wala pa namang kumpirmasyon kung anong grupo ang kinaaaniban ng magkapatid na Wilson at Erwin Guevarra bagamat sinabi lamang ng Phil Army na isang Local Terrorist Group ang kinaaaniban ng magkapatid.
Dalawang hand grenade ang natagpuan sa bahay ng mga suspek sa paghalughog ng raiding team.
Una nang lumabas sa mga bali-balita na miyembro ng Maute Group ang magkapatid subalit hindi pa ito kinumpirma ng mga awtoridad.
Sa isinagawang raid, nakatakas ang mga suspek na dumaan umano sa likurang bahay at dumiretso sa maraming kabahayan sa kanilang lugar.
Una na ring itinanggi ng Nanay ng magkapatid ang paratang sa kanyang mga anak at sinabing hindi ito mga terrorista.
Sa ngayon ay patuloy ang manhunt operation ng pulisya ang sundalo para mahuli ang magkapatid na suspetsado.
Camarines Norte News

