Enero 26, 2017, Daet, Camarines Norte – Magkakasabay na inihain ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Camarines Norte at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang Search Warrant sa sampung pinaghihinalaang nagtutulak ng droga sa bayan ng Daet.
Ang sampung mga suspek mula sa iba’t ibang Barangay ng nabanggit na munisipalidad ay may paglabag umano sa Republilc Act 9165 base sa Search warrant na nilagdaan ni Hon. Judge Evan D. Dizon ng RTC Branch 40 ng bayan ng Daet.
Madaling araw kanina, nang isilbi ang nasabing search warrant sa kani-kanilang mga tahanan ang mga naarestong sina;
- Rolly Rafer y Apo, 42 y/o, ng Brgy. Calasgasan; (SW # D-09-2017)
- Lida Malonzo y Vega, 40 y/o, ng Brgy. Magang; (SW # D-07-2017)
- Jerry Fermo Sr y Talento , 40 y/o, ng Brgy. II; (SW # D-12-2017)
- Jonathan King So, 41 y/o, ng Brgy. Camambugan; (SW # D-10-2017)
- Antonio B Remot Jr. , 56 y/o, ng Brgy. Gahonon; (SW # D-11-2017)
- Noli De Los Angeles, 28 y/o, binate ng Brgy. V; (SW # D-05-2017)
- Arnold Zantua y Balon, 46 y/o, ng Brgy. V; (SW # D-06-2017)
- Mark Anthony King y Tabines, 33 y/o, binate, residente ng Brgy. IV; (SW # D-01-2017
Habang patuloy na nakalalaya ang dalawa pang mga suspek na sina;
- Engineer Ariel Avecilla, may asawa at residente ng Brgy. Pamorangon; (SW # D-02-2017)
- Allan Tablatin , a residente ng Brgy. Gubat, all of Daet, Camarines Norte. (SW # D-14-2017)
Nakumpiska sa mga suspek ang 98 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”; 7 piraso ng unsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”; isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang pinatuyong dahoon ng “marijuana”; limang piraso ng live ammunition para sa kalibre .45; isang kalibre .22 na may lamang magazine na may walong bala; isang bala para sa kalibre .40; isang hand grenade; two disposable lighters; at isang cellular phone.
Agad na dinala sa Camarines Norte Police Provincial Office ang mga suspek, habang dinala naman sa Camarines Sur PCLO ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon.
Camarines Norte News

