ORDINANSA PARA SA MGA BULAKBOL NA ESTUDYANTE! NASA IKATLONG PAGDINIG NA SA SANGGUNIANG BAYAN NG DAET!

Trauncy-608

Pebrero 2, 2017, Daet, Camarines Norte –  Malapit nang matapos ang maliligayang araw ng mga bulakbol na estudyante sa bayan ng Daet sa oras na maisabatas na ang ordinansang isisunusulong ngayon sa Sangguniang Bayan ng Daet may kaugnayan sa pagreregulate ng “Trauncy” sa nabanggit na munisipalidad.

Ang ordinansa ay isinulong ni Konsehal Elmer Bacuno ng SB Committee Chair on Peace and Order na may titulong “AN ORDINANCE REGULATING THE TRAUNCY OF ELEMENTARY PUPILS AND HIGH SCHOOL STUDENTS OF THE MUNICIPALITY OF DAET CAMARINES NORTE”.

Pasado na sa sa ikalawang pagdinig ang nasabing panukala at kamakalawa ay isinagawa ang Public Hearing para dito.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Konsehal Elmer Bacuño, sinabi nito na nag bunsod ang kanyang pagkilos dahil sa reklamo ng maraming magulang at mga guro hinggil sa pag bubulakbol ng ilang mga estudyante hindi lamang sa elementarya kundi maging sa Secondary.

Kamakalawa, isinagawa ang public hearing hinggil sa nasambit na proposed ordinance na dinaluhan ng mga Public School Officials, mga internet shop owners, mga magulang, PNP, at ilan pang personalidad na may kaugnayan sa nasabing usapin.

Inirekomenda naman ni School Principal Melicia Ibasco ng Daet Elementary School sa pagdinig ang tuluyang pagbabawal sa pagpapapasok sa sinumang elementary at high school students sa mga establishimento katulad ng internet shops, bago ang alas singko ng hapon, maliban lamang kung mag re-research ang mga mag-aaral.

Ipagbabawal na rin sila sa nasabing mga oras sa mga bilyaran, inuman at ilan pang mga lugar na nagiging lugar na pagbubulakbol ng nasabing mga estudyante.

Sa ordinansang ipapasa, kasama ang mga school administrators, mga guro at guwardya ng paaralan, mga internet shop operators, at mismong mga magulang na magsisislbing bahagi ng task force na binuo para mahigpit na maipatupad ang naturang ordinansa.

Naniniwala naman si konsehal Bacuño na sa pagtutulungan ng lahat ng lahat ay tuluyan nang matutugunan ang matagal nang problema na inirereklamo ng mga magulang at guro may kaugnayan sa pag bubulakbol ng mga mag aaral sakaling maipasa na ang nasabing ordinansa.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *