Pebrero 7, 2017, Labo, Camarines Norte – Tila nagsasaya ngayon ang ilang mga dati nang sumuko sa pulisya na mga umamin at sumuko na mga gumagamit at nagtutulak ng droga sa bayan ng Labo, Camarines Norte.
Sa panayam ng Cool Radio News FM kay PSInsp. Elizaldy Caligasyon, OIC Chief of Police ng Labo MPS, sinabi nitong nalulungkot sila sa pagsuspinde ng Oplan Tokhang dahil tila bumabalik na naman sa dating gawi ang mga dati nang sumuko sa kanila at ito ay base sa mga imporasyong nakakarating sa kanila.
Sinabi ni SInsp. Caligasyon, sa isang libo, isang daan at anim na pung (1,160) mga drug surrenderies sa bayan ng Labo, apat na put tatlo (43) dito ang tinukoy na drug pushers. Anya, patuloy nila itong minomonitor upang malaman kung bumalik pa ang mga ito o nagpatuloy na sa pagbabago. Ilan sa mga ito ang napapaulat na muling bumalik sa dating gawi.
Hangad ng naturang opisyal na muling maibalik ang Oplan Tokhang upang magtuloy tuloy na ang pagbabago sa mga biktima ng nasabing masamang bisyo.
Camarines Norte News

