34 KATAO, ARESTADO SA OPERASYON ANTI-ILLEGAL GAMBLING SA WALONG BAYAN NG CAM NORTE!

gambling-3-608

Pebrero 17, 2017, Camarines Norte – Arestado ang tatlumpu’t apat na personalidad sa operasyon kontra illegal gambling na isinagawa ng Camarines Norte Police Provincial Office sa walong munisipalidad ng lalawigan.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa noong Pebrero 15, 2107 sa bayan ng Talisay, Vinzons, Jose Panganiban, Vicente, Labo, Basud, Daet at Capalonga. Ito ay bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na matuldukan na ang mga gawaing kaugnay ng illegal gambling katulad ng “tong its”, “pekwa”,“cara y cruz” at “pusoy dos” at ilan pang illegal na sugal.

gambling-2-608

Nakuha sa operasyon sa Talisay ang bet money na nagkakahalaga ng 240 Php, 150 Php naman sa bayan ng Vinzons, 390 Php sa bayan ng Panganiban, 362 Php sa bayan ng San Vicente, 118 Php sa bayan ng Labo, 176 Php sa bayan ng Basud, 910 Php sa bayan ng Daet at 455 Php sa bayan ng Capalonga.

Ayon sa panayam ng Camarines Norte News kay PSupt. Wilmor Halamani, hepe ng Daet MPS, sinabi nito na ang naturang mga operasyon ay dapat maging babala sa mga mamamayan upang maiwasang masampahan ng kaso.

Umaabot sa halagang sampung libong piso ang piyansa para sa sinumang mahuhuli para sa pansamantalang kalayaan para sa paglabag sa PD 1602  (Illegal Gambling Law).

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *