Pebrero 20, 2017, Daet, Camarines Norte – Pinuna ni District Engineer Romeo Doloiras ang mga pasaway na empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sumusuway sa tamang oras ng pagpasok at paglabas sa trabaho.
Pagkatapos ng Flag Raising Ceremony ng mga kawani ng naturang departamento kaninang umaga, nasermunan ni Doloiras ang mga emplyedong madalas na umanong umalis pagkatapos mag time in at babalik lamang upang mag time out.
Aniya, may mga pagkakataon umano na hindi maiiwasan ang ganitong sitwasyon. Dagdag pa nito, iilan lang naman ang mga kawani na gumagawa ng nasabing gawain. Gayunpaman, dapat pa rin itong maiwasto upang hindi na magpatuloy pa.
Bilang tugon sa nasabing problema, inutusan ni Doloiras ang mga Department heads na mas paigtingin ang pag monitor sa galaw ng mga kawani upang matiyak kung nagtatrabaho ang mga ito.
Nilinaw din ng opisyal na hindi nila kinukunsinte ang anumang maling gawain ng mga empleyado sa nasabing departamento.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News

